Paki Daw LogoPakiDaw

Ang Pinagbabawal na Teknik: Bakit Bawal Tumawid ng Highway ang mga E-Bike Partners?

Published on June 14, 2026 • 3 min read

E-Bike Safety Rules

Mga ka-Paki Daw, usapang kaligtasan muna tayo!

Alam natin na ang mga E-Bikes ang mga bagong "Hari ng Subdivision" dito sa Imus. Mabilis, eco-friendly, at napakalaking tulong para sa mga maiikling pabili at errands ng ating mga Requesters.

Pero may isang malaking HINDI tayo sa Paki Daw: Ang pagtawid at pagbaybay sa mga National Highways tulad ng Aguinaldo Highway at Daang Hari.

Wala ka sa Japan, at dahil dyan, hindi ka tunay na Ninja! 🥷

Kahit gaano ka pa kagaling mag-drive, ang mga e-bikes ay hindi idinisenyo para makipagsabayan sa mga nagliliparang bus, truck, at mabibilis na sasakyan sa highway. Huwag mo nang subukan ang "Pinagbabawal na Teknik" dahil buhay mo ang nakataya dito. Pasaway ka, huli ka!

Ang Paki Daw Rule & Penalty

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga E-Bike Partners ang pagtanggap ng tasks na mangangailangan sa kanilang tumawid o dumaan sa mga major highways. Ang E-Bike option sa app ay ginawa para sa Hyper-local errands (mga pabili sa loob ng village o sa kanto lang).

Kapag napatunayan na tumanggap ka ng task at tumawid ka sa highway gamit ang e-bike, ito ay magreresulta sa Permanent Account Ban. Walang warning, dahil ayaw naming mapahamak ka.

Sa mga Requesters at kapwa Partners (Community Watch):

Kailangan namin ang tulong ninyo! Kung may nakita kayong Paki Daw E-Bike partner na nag-mala-ninja sa Aguinaldo Highway, pakiusap, i-report agad sa aming in-app Support o i-message kami sa aming Facebook page.

  • Hindi ito panlalaglag: Ito ay pagliligtas ng buhay ng kapwa natin.
  • Para sa mga Requesters: Kung alam ninyong tatawid ng highway ang inyong pabili, mangyaring i-accept lamang ang mga naka-Motorcycle na partners para sa inyong task.

Sa Paki Daw, gusto nating kumita ang lahat, pero gusto rin nating makauwi nang ligtas ang lahat sa kani-kanilang pamilya. Ride safe, stay local, at iwasan ang pinagbabawal na teknik! 🚦🛵