Paki Daw is Coming to Imus! Ang All-in-One Pabili, Padala, at Paayos App ng Cavite
Published on May 18, 2026 • 3 min read

Isang malaking karangalan para sa amin na i-anunsyo na ngayong darating na Sabado, June 21, 2026, ay opisyal na nating sisimulan ang "Soft Launch" ng Paki Daw app dito mismo sa ating mahal na lungsod ng Imus, Cavite!
Bakit sa Imus Tayo Magsisimula?
Alam natin na ang Imus ay isang mabilis na umuunlad na lungsod. Marami sa atin ay mga working-class professionals at araw-araw na nagko-commute. Dahil sa traffic at pagod sa trabaho, madalas nawawalan na tayo ng oras para sa mga simpleng errands at pag-aayos sa bahay.
Bilang isang proud na taga-Imus, dito ko piniling simulan ang Paki Daw dahil naniniwala ako na kailangan natin ng solusyon. Ang Paki Daw ay ginawa ng isang lokal, para sa mga lokal na komunidad.
Ano ang maitutulong ng Paki Daw sa iyo?
- Ikaw ang pipili ng presyo: Dahil sa aming Bidding System, makakatanggap ka ng iba't ibang offers mula sa mga partners. Piliin ang pasok sa budget mo!
- Eco E-Bikes para sa kanto-kanto: Kailangan ng pabili sa loob ng subdivision? May mga E-bike partners tayo para sa mas murang delivery fee.
- Nakalimutan ang laptop o documents? I-Paki Daw mo na ang pagpadala papunta sa opisina gamit ang ating mga Motorcycle riders.
- May sirang gripo o kuryente? Hindi lang kami pang-delivery! Pwede ka ring mag-book ng mga verified Handymen (tubero, karpintero, electrician) sa app.
Suportahan ang Gawang-Lokal!
Dahil nasa "Soft Launch" phase pa lamang tayo, sinusubukan pa natin ang sistema para masiguro na maayos ang takbo ng app. Ang bawat task na inyong ipinapagawa ay direktang nagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga lokal na neighborhood Riders, E-bikers, at Skilled Workers.
Hinihikayat namin ang lahat ng mga taga-Imus na i-download ang app, subukang mag-post ng task, o kaya ay mag-register bilang Partner. Ipakita natin ang lakas ng bayanihan sa modernong panahon!
Maraming salamat sa inyong suporta. Sama-sama nating paunlarin ang Imus!