Iwas-Scam: Paano Pinoprotektahan ng Paki Daw ang Iyong Kita at Oras
Published on May 12, 2026 • 4 min read

Mga Ka-Paki, alam namin na ang bawat biyahe ninyo ay puhunan ang oras, pagod, at minsan pati sariling pera. Kaya naman ang numero unong priority ng Paki Daw ay ang inyong kaligtasan laban sa mga manloloko.
Ang Aming AI Scam Detection System
Hindi lang tayo basta app. Ang Paki Daw ay may naka-integrate na AI (Artificial Intelligence) na awtomatikong nagbabasa at sumusuri sa mga task descriptions bago pa man ito ma-post.
Kapag na-detect ng system natin na ang task ay kahina-hinala (halimbawa: nagpapaclaim ng pera o "insurance" sa Palawan Express o Cebuana Lhuillier at ipinapagamit ang IYONG PANGALAN at ID bilang receiver), awtomatiko na magkakaroon ka ng "Request to Cancel" button kapag "low" o "medium" risk, at "Request to Cancel" at "Cancel and Report Requester" buttons kapag "high" risk.
Mga Modus na Dapat Mong Bantayan:
Kahit may AI tayo, kailangan pa rin natin maging alerto. Mag-ingat sa mga ganitong sitwasyon:
- Ang "Money Mule / Claim" Scam: Inuutusan kang kumuha ng padalang pera sa remittance center gamit ang sarili mong ID, tapos ay ipapasa mo sa kanila. Huwag na huwag papayag! Maaaring galing sa scam o illegal na gawain ang pera, at ang pangalan mo ang lalabas sa record ng pulisya.
- Ang "Paki-Load" Scam: Nagpapabili ng item pero biglang magme-message na "Kuya, paki-loadan mo muna yung number na ito, babayaran ko pagdating mo." Huwag magbibigay ng load o pera upfront na labas sa orihinal na usapan.
- Maling Address / Ghost User: Pagdating mo sa location, walang tao at hindi na nagre-reply.
Ano ang dapat gawin?
- Gamitin ang In-App Chat: Dito lang makipag-usap. Kung may mangyaring aberya, may record tayo na mababasa ng admin para matulungan ka.
- I-Report Agad: Kung may kutob kang scammer ang kausap mo, gamitin ang "Cancel and Report Requester" button sa app. Agad itong iimbestigahan ng aming team at iba-ban ang mga mapapatunayang nanloloko.
- I-Report Sa Aming Messenger: Makipag ugnayan sa aming Messenger account na Paki Daw.
Magtulungan tayo para panatilihing ligtas at malinis ang komunidad ng Paki Daw. Biyaheng ligtas palagi!