Paano Gamitin ang Paki Daw App? (Guide para sa Requesters)
Nai-download mo na ba ang Paki Daw app pero hindi mo sigurado kung paano magsimula? Huwag mag-alala, napakadali lang nito! Sundin lang ang 4 na simpleng hakbang na ito para sa iyong unang "paki".

1Gumawa ng Account
Pag-open mo ng app, ilagay lang ang iyong aktibong cellphone number. Makakatanggap ka ng 6-digit OTP (One-Time Password) via text message. Ilagay ito sa app para ma-verify ang iyong account. Ligtas at mabilis!
2I-post ang iyong "Paki" (Task)
Sa Home Screen, i-click ang icon ng alinman sa "Pabili", "Padala" o "Pabayad". Punan ang mga sumusunod na detalye:
- Ano ang kailangan mo? (Halimbawa: Padala ng dokumento, o Padala ng iyong binebentang produkto sa iyong suki).
- Mga detalye: Maging malinaw sa iyong pagpapahayag ng iyong ipapagawa para walang maging aberya.
- Pickup Location: Saan kukunin ng rider ang item?. (Kung padala sa ibang lugar, kadalasan ay sa current location mo. Maaari mong i-edit ang location name.)
- Dropoff Location: Saan ihahatid ang item?. (I-drag ang mapa at itapat ang pin sa target location)
Pagkatapos, i-click ang "Post Task" at maghintay ng ilang sandali.
3Pumili ng Rider (Accept Bid)
Makikita ng mga kalapit na Riders ang task mo at magbibigay sila ng kanilang "Bid" o presyo para sa serbisyo. Makakatanggap ka ng notification kapag may nag-bid.
Tingnan ang listahan ng mga nag-bid. Pwede mong i-check ang kanilang Star Rating para makasiguro. Kapag nakapili ka na ng rider na may magandang presyo at rating, i-click ang "Accept".
Kung mayroong nakalimutang impormasyon na isama sa detalye ng iyong task ay wag mag atubiling magpadala ng mensahe sa rider gamit ang in-app chat.
4I-track at Magbayad
Kapag na-accept mo na ang rider, pwede mo na siyang i-chat sa loob ng app kung may karagdagang bilin. Makikita mo rin sa mapa kung nasaan na siya (Live Tracking)!
Kapag naihatid na ang item, magbabayad ka ng Cash on Delivery (COD) nang direkta sa rider. Huwag kalimutang i-rate ng 5-stars ang rider kung nagustuhan mo ang serbisyo niya para maging "Suki" mo siya sa susunod!
Handa na bang sumubok?
Napakadali lang, 'di ba? I-download na ang app at i-post ang iyong unang task ngayon!
I-download ang Paki Daw App