Paki Daw LogoPakiDaw

Paki Daw is Now in Pola! Ang Unang Community App ng Oriental Mindoro

Published on May 12, 2026 • 3 min read

Paki Daw Pola Launch

Isang malaking karangalan para sa amin na i-anunsyo na ngayong darating na Lunes, May 18, 2026, ay opisyal na nating sisimulan ang "Soft Launch" ng Paki Daw app dito mismo sa ating mahal na bayan ng Pola, Oriental Mindoro!

Bakit sa Pola Tayo Nagsimula?

Alam natin na ang pangunahing hanapbuhay dito sa Pola ay pagsasaka. Simple ang pamumuhay, pero hindi ibig sabihin ay hindi natin kailangan ng modernong solusyon para mapadali ang ating araw-araw na gawain.

Bilang isang proud na taga-Pola, dito ko piniling simulan ang Paki Daw dahil naniniwala ako sa lakas ng ating komunidad. Ang Paki Daw ang kauna-unahang community logistics app sa ating lugar na ginawa ng isang lokal, para sa mga lokal.

Ano ang maitutulong ng Paki Daw sa iyo?

  • May anak na nagbo-board sa kabilang bayan? I-Paki Daw mo na ang pagpadala ng nakalimutang uniform o mahahalagang dokumento mula sa bahay papunta sa kanila.
  • Kailangan ng groceries o gamot? Kung abala sa bukid o walang masasakyan, may Rider na bibili at magdedeliver para sa iyo.
  • Walang time pumila? I-Paki Daw mo na ang pagbabayad ng bills.

Suportahan ang Gawang-Lokal!

Dahil nasa "Soft Launch" phase pa lamang tayo, sinusubukan pa natin ang sistema para masiguro na maayos ang takbo ng app. Ang bawat service fee na inyong ibinabayad sa pag-book ng task ay direktang nagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga lokal na Riders at sumusuporta sa patuloy na pagpapaganda ng Paki Daw.

Hinihikayat namin ang lahat ng mga taga-Pola na i-download ang app, subukang mag-post ng task, o kaya ay mag-register bilang Rider. Ipakita natin na ang isang maliit na bayan ay kayang sumabay sa modernong teknolohiya!

Maraming salamat sa inyong suporta. Sama-sama nating paunlarin ang Pola!