Paki Daw LogoPakiDaw

Mula sa Simpleng "Paki", Naging Isang Komunidad.

Hindi kami isang malaking korporasyon mula sa ibang bansa. Kami ay isang lokal na tech startup na naniniwalang dapat patas ang presyo para sa customer, at buo ang kita para sa partner.

Ang Kwento Natin

Nagsimula ang ideya ng Paki Daw sa isang simpleng problema na madalas nating maranasan: Paano kung kailangan mo lang magpabili ng gamot sa kanto, o magpadala ng susi sa kabilang subdivision, pero ang mahal ng delivery fee sa mga sikat na apps? O kaya, nasiraan ka ng gripo, pero hindi mo alam kung saan hahanap ng mapagkakatiwalaang tubero?

Napansin din namin ang mga kapitbahay nating may mga Pedicab at motor na gustong kumita ng extra, pero hindi makasali sa malalaking delivery apps dahil sa dami ng requirements at taas ng kinakaltas sa kita nila.

Kaya ginawa namin ang Paki Daw. Isang platform kung saan ikaw ang masusunod. Sa pamamagitan ng aming Bidding System, ang mga Requesters at Partners ang nagkakasundo sa patas na presyo. Walang hidden charges, walang malaking kaltas.

Ang Aming Misyon

Gawing madali, mabilis, at abot-kaya ang mga pang-araw-araw na errands sa pamamagitan ng pag-konekta sa mga tao sa kanilang sariling komunidad.

Buhay Partner

Bigyan ng marangal na pagkakakitaan ang mga naka-motor, naka-Pedicab, at mga skilled workers (handymen) nang hindi kinakaltasan ng malaki ang kanilang pinaghirapan.

Lokal na Negosyo

Sa pamamagitan ng aming Local Operator program, tinutulungan namin ang mga lokal na negosyante na magpatakbo ng sarili nilang Paki Daw sa kanilang siyudad.

Ligal at Rehistrado

Ang Paki Daw app at platform ay buong pagmamalaking binuo sa Pilipinas at opisyal na rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng pangalang:

PAKI DAW INFORMATION TECHNOLOGY SERVICES

Nagsimula sa Imus, Cavite. Papunta sa buong Pilipinas.

Maging Bahagi ng Kwento Namin