Help Center & FAQs
May katanungan? Narito ang mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa paggamit ng Paki Daw app.
👤 Para sa Requesters
Kapag nag-post ka ng task, makikita ito ng mga kalapit na partners. Magbibigay sila ng kani-kanilang 'Bid' o presyo para sa serbisyo. Ikaw ang pipili kung aling bid ang pinaka-pasok sa budget mo at may magandang rating.
Sa ngayon, ang bayaran ay direktang ibibigay sa Partner (Cash on Delivery, Cash on Pickup, o GCash directly sa partner). Walang hidden charges sa app, kung ano ang pinagkasunduang bid, iyon lang ang babayaran mo.
Maaari mong i-cancel ang task habang 'Searching' pa ito o bago dumating ang partner sa pickup location. Kung may accepted ng bid ng partner, kailangan mo munang mag-request ng cancellation at hihintayin ang approval ng partner para maiwasan ang abala sa kanila.
Lahat ng partners namin ay verified (may NBI Clearance at Valid IDs). Kung may mangyaring aberya, i-report agad ito sa aming support team para maimbestigahan at ma-suspend ang partner kung napatunayang may sala.
🛵 Para sa Partners
Hindi kami kumukuha ng malaking porsyento! Mayroon lamang kaming maliit na tiered pricing platform fee na ipapatong sa iyong bid. 100% ng tip mula sa customer ay sa'yo.
Siguraduhing naka-on ang 'Partner Mode' sa iyong profile at nakapili ka ng mga serbisyong gusto mong gawin (Pabili, Padala, o Paayos). Makakatanggap ka ng Push Notification kapag may bagong task na malapit sa lokasyon mo.
Protektado ka ng aming AI Scam Detection. Kung sakaling ma-fake booking ka, i-report agad ang requester gamit ang app. Iba-ban namin ang account nila at tutulungan ka ng aming support team.
Oo, para sa 'Pabili', gagamitin mo muna ang sarili mong pera pambili ng items. Babayaran ka ng requester (kasama ang service fee mo) pagdating mo sa drop-off location. Siguraduhing itago ang resibo!
Hindi mo nahanap ang sagot?
Handa ang aming support team na tulungan ka. Mag-message sa aming mga contact details sa ibaba.