Paki Daw LogoPakiDaw

Maging Boss ng Sarili Mong Oras at Presyo.

Kumita nang mas malaki bilang Paki Daw Partner. Walang fix na rate, walang sapilitang byahe. Ikaw ang magde-desisyon kung magkano ang serbisyo mo.

I-download ang App para Mag-Apply
Paki Daw Partner

Bakit Magandang Maging Paki Daw Partner?

Ikaw ang Nagpe-presyo

Hindi ka nakakulong sa murang system rates. Mag-bid ng presyong makatarungan para sa pagod at gas mo.

Mas Malaking Naiuuwi

Maliit at tiered na platform fee lang ang ipapatong sa iyong service fee kapag nanalo ka sa bid. 100% ng tip ay sa'yo!

Hawak Mo Ang Oras Mo

Walang boss na magagalit kung gusto mong magpahinga. Piliin lang ang mga tasks na gusto mo at kaya mong gawin.

Paano Maging Partner?

1

I-download ang App

Mag-register gamit ang iyong phone number bilang Requester muna.

2

Pumunta sa Profile

I-click ang "Become a Partner" o i-on ang "Partner Mode" sa iyong profile screen.

3

I-upload ang Requirements

Para sa Riders: License, OR/CR, at Clearance. Para sa Handyman: Valid ID at Clearance.

4

Maghintay ng Approval

I-re-review namin ang iyong application. Kapag approved na, pwede ka nang mag-umpisang mag-bid!

💡 Pro-Tips: Paano Laging Manalo sa Bidding?

Sikreto ng mga top-earning partners namin kung paano sila laging pinipili ng mga requesters.

Maging Makatarungan

Huwag masyadong mahal, huwag din masyadong mura. Tingnan ang distansya at bigat ng task bago mag-bid.

Gamitin ang "Notes"

Mag-iwan ng mensahe! Halimbawa: "May thermal bag po ako" o "Dala ko po ang tools ko." Mas pinipili ang may effort.

Ingatan ang Rating

Ang mga partners na may 5-star rating ay mas madalas piliin kahit medyo mas mataas ang bid nila. Maging magalang!